-- Advertisements --

Na-disqualify si Novak Djokovic sa US Open matapos tamaan niya ng bola ang line judge.

Naganap ito sa fourt round ng mag-serve ang Serbian tennis star kung saan lamang ang kalaban na si Pablo Carreno Busta ng Spain.

Tinamaan nito sa leeg ang babaeng line judge ng ito ay magse-serve sana.

Matapos ang mahabang diskusyon ay nagpasya na ang mga tournament officials na siya ay idisqualify.

Nakasaad kasi sa ruling nila na hindi dapat magkaroon ng physical abuse ang mga manlalaro sa opisyal, kalaban, audience at ibang mga tao na nanonood ng laro.

Dahil sa pangyayari ay mabubura na ang target ng 33-anyos na Serbian player na makuha ang 18th Grand Slam champion kung saan siya rin ang magiging heavy favorite.