-- Advertisements --

Nabigo si Serbian tennis star Novak Djokovic sa ikalawang round ng Indian Wells tennis tournament sa California.

Hindi ito nakapormal kay Botic van de Zandschulp sa score na 6-2, 3-6, 6-1.

Ito na ang magkasunod na taon na early exit ng Serbian tennis star mula sa kamay ng isang lucky loser.
Noong nakaraang taon kasi ay nabigo siya kay Luca Nardi ng Italy sa California desert.

Ang 37-anyos na si Djokovic ay umatras sa Australian Open semi-finals laban kay Alexander Zverev dahil sa kaniyang hamstring injury at natalo ito sa Qatar Open sa unang round noong nakaraang buwan.

Kasama niya court ang coach nito na dating tennis star na si Andy Murray.

Sinabi ni Djokovic na wala siyang sinisisi sa pagkatalo dahil mahina ang kaniyang naging performance.