-- Advertisements --

Natapos na ang kampanya ni world number one Novak Djokovic sa Geneva Open.

Hindi kasi ito umubra kay Tomas Machac sa semifinals match nito.

Nakuha ng Czech tennis player ang score na 6-4, 0-6 at 6-1 para makapasok sa unang pagkakataon sa ATP tour final.

Sinabi ni Machac na hindi niya akalain na ito ay magwawagi dahil sa ginawa lamang niya ang kaniyang lahat na makakaya sa laro.