-- Advertisements --

Nabigyan ng medical exemption si Serbian tennis star Novak Djokovic para maidepensa niya ang kaniyang Australian Open title.

Sa kaniyang social media ay inanunsiyo ng world number one na siya ay makakapaglaro sa opening Grand Slam event matapos matanggap ang medical exemption mula sa pagpapabakuna laban sa COVID-19.

Dahil dito ay natapos na ang espekulasyon sa posibleng hindi paglalaro nito sa Australian Open.

Nag-apply kasi ang 34-anyos na si Djokovic ng medical exemption kung saan isa rito ay ang Independent Medical Exemption Review Panel na itinalaga ng Victorian Department of Health.

Mahigpit kasi ang bilin ng Tennis Australia na dapat lahat ng mga lalahok sa torneo ay naturukan na ng COVID-19 vaccines.

Magugunitang hindi ibinubunyag ni Djokovic kung ito nga ba ay naturukan na ng COVID-19 vaccines.

Magsisimula ang torneo sa Enero 17 hanggang 30.