-- Advertisements --
Ikinagalit ni Serbian Tennis star Novak Djokovic ang hindi magandang ugali na ipinakita ng mga audience sa Wimbledon.
Matapos kasi ang panalo nito laban kay Holger Rune sa score na 6-3, 6-4 at 6-2 ay may ilang fans ang nagpakita ng suporta sa Danish tennis player.
Maririnig kasi ang pagsigaw ng ilan sa pangalan ni Rune na bilang pagsuporta sa world number 15.
Giit nito na sa mahigit na 20 taon nitong paglalaro sa mga torneo ay alam niya ang mga sistema kung ang mga audience ay nangangantiyaw.
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nagalit si Djokovic sa mga audience dahil noong 2021 US Open ay nagalit ito sa pag-aakalang siya ay kinakantiyawan.