-- Advertisements --

Nangangambang hindi makapaglaro muli sa Australian Open si Novak Djokovic kapag hindi niluwagan ang COVID-19 vaccination.

Sinabi ng ama ng Serbian tennis star na si Srdjan Djokovic na ang nasabing hakbang ng organizer ay isang uri ng “blackmail”.

Iginiit nito na ang hindi pagpapabakuna laban sa COVID-19 ay isa aniyang karapatan ng isang tao.

Hindi naman binabanggit ni Djokovic kung ito ay nabakunahan na laban sa COVID-19.

Magugunitang mayroon ng siyam na Grand Slam titles si Djokovic sa Australian Open kabilang ngayong taon.

Ilan sa mga tennis star na nagkumpirma sa paglalaro sa Australian Open na gaganapin sa Enero 17 ay sina Rafael Nadal at Roger Federer.