-- Advertisements --

Naging emosyonal si Novak Djokovic ng talunin ang matagal na niyang karbal na si Rafael Nadal sa Six Kings Slam exhibition game sa Saudi Arabia.

Sinab ni Djokovic kay Nadal na dapat ay hindi muna niya iwan ang tennis.

Dagdag pa nito na nais niyang makasama ito habang sila ay retireado at nag-rerelax na lamang sa buhay.

Magugunitang inanunsiyo ng 38-anyos na si Nadal na ito ay magreretiro sa tennis pag natapos na ang Davis Cup Finals sa susunod na buwan.

Ang dalawa ay nagharap na ng 60 beses kung saan sa exhibition match sa Saudi ay nahigitan na ni Djokovic si Nadal na mayroon na itong 31 panalo kontra 29.

Mayroong 24 Grand Slam title si Djokovic habang si Nadal ay mayroong 22 Grand Slam title lamang.

Nalungkot si Djokovic dahil sa nasaksihan niya ang pagreretiro ni Andy Murray at Roger Federer at ngayon si Nadal na kaniyang itinuturing na matinding karibal.