-- Advertisements --

Nagdesisyon si tennis star Novak Djokovic na hindi na sumali sa Paris Masters sa darating na Nobyembre 2-8.

Ayon sa 33-anyos na Serbian tennis star, na wala siyang makukuhang puntos sa nasabing torneo para mapanatili ang kaniyang number 1 spot.

Paglilinaw naman nito na dadalo lalahok naman ito sa torneo sa Vienna at London.

Maari aniya kasi siyang makakuha ng 500 points na makadagdag sa kaniyang ranking.

Nakuha kasi nito ang unang puwesto sa 36th ATP Masters ng magwagi sa Italian Open title sa Rome noong nakaraang taon.

Dahil kasi sa bagong revised ranking system ng ATP na mapapanatili ng mga manlalaro ang kanilang puntos noong nakaraang taon kapag hindi sila sumali sa Paris Masters dahil sa epekto ng coronavirus pandemic.