Nakamit ni Serbian tennis star Novak Djokovic ang gintong medalya sa Paris Olympics.
Ito ay matapos na talunin niya sa finals si Spanish player Carlos Alcaraz sa score na 7-6 (7/3), 7-6 (7/2).
Itinuturing na ang 37-anyos na si Djokovic na pinakamatandang singles champion mula ng bumalik ang tennis sa Olympics noong 1988.
Naging emosyonal ito sa awarding ceremony kung saan hawak niya ang watawat ng Serbia at hindi ito makapaniwala na magwawagi sa mas batang si Alcaraz.
Makakahanay niya sina Andre Agassi, Rafael Nadal, Steffi Graf at Serena Williams na nagwagi ng gintong medalya sa Olympics singles tennis.
Ilan sa mga nakuha nitong award ay ang pagigin 10 times Australian Open champion, three times French Open, seven times Wimbledon, four times US Open, seven times ATP Finals , 8-times year-end number 1 , 2 times Career Golden Masters, one-time Davis Cup , 428 weeks na nanatili sa numero 1 at isang Olympic Gold medalists.