-- Advertisements --
novac

PARIS, France – Nasungkit ng tennis star na si Novak Djokovic ang isa pang panalo sa Paris Masters title matapos talunin ang Russian na si Daniil Medvedev.

Umiskor ang Serbian star ng 4-6 6-3 6-3 para maiposte ang record-extending sixth titles.

Dahil sa panalo, sigurado na umanong mapapasakamay din ng 34-anyos na tennis player ang year-end world number one spot.

Ito na ang ika-pitong pagkakataon na magiging numero uno si Djokovic.

Kung maalala, pinutol ni Medvedev ang sana’y record-breaking 21st Grand Slam ni Djokovic sa men’s singles title sa US Open noong buwan ng Agosto.