-- Advertisements --

Tinapos na ni Novak Djokovic ang pangarap ni Russian tennis palyer Aslan Karatsev na makapasok sa finals ng Australian Open.

Binigo kasi ng Serbian defending champion si Karatsev at nakuha ang score na 6-3, 6-4, 6-2.

Naging hamon ang laban kay Djokovic matapos makaranas ng pananakit ng tiyan sa laro noong nakaraang Linggo.

Gumaling lamang at nanumbalik ang sigla nito nitong Linggo.

Sinabi pa nito na wala ng makakapigil sa kaniya dahil magdana na ang pakiramdam kaya ito nagwagi sa semifinals round.

Susunod na makakaharap nito ang sinumang magwagi sa pagitan nina Stefanos Tsitsipas at Daniil Medvedev.