-- Advertisements --

Nalusutan ni Novak Djokovic ang matinding opensang ipinakita ni Alexander Zverev para makapasok sa semifinals ng Australian Open.

Nakuha ng reigning champion ang score na 6-7(6), 6-2, 6-4, 7-6(6).

Sa unang set ay hawak ng German tennis player ang laro subalit nakabangon ang Serbian tennis star at bumawi ito sa mga sumunod na sets.

Susunod na makakaharap nito si Aslan Karatsev ng Russia para sa semifinal round ng torneo.