-- Advertisements --

Pasok na sa quarterfinals si Australian Open reigning champion Novak Djokovic matapos talunin si Milos Raonic ng Canada.

Ito ay matapos na magtala si Djokovic ng 7-6(4), 4-6, 6-1, 6-4.

Hindi basta nagpatinag si Raonic dahil naipanalo nito ang ikalawang set.

Naging malaking hamon din ang nasabing laro kay Djokovic dahil nagtamo ito ng injury ng talunin niya si Taylor Fritz nitong Biyernes.

Dahil sa panalo ay naging pangalawang manlalaro si Djokovic na umabot sa 300 Grand Slam match wins.

Susunod na makakaharap ng Serbian tennis star si Alexander Zverev ng Germany sa semifinal round ng torneo.