-- Advertisements --
Pasok na sa ikalawang round ng French Open si Novak Djokovic matapos talunin si Mikael Ymer ng Sweden.
Nakuha nito ang score na 6-0, 6-2 at 6-3 sa laro na ginanap sa Court Philippe Chatier.
Ito ang unang paglalaro ng Serbian player matapos na ma-disqualify sa US Open ng tamaan ang isang line judge noong nakaraan mga linggo.
Humingi na ito ng paumanhin matapos na makatanggap ng batikos.
Susunod na makakaharap naman nito si Ricardas Berankis ng Lithuania sa ikalawang round ng torneo.