-- Advertisements --
Pasok na sa second round ng Japan Open si Novak Djokovic.
Tinalo kasi ng Serbian tennis star si Alexei Popyrin ng Australia sa score na 6-4, 6-2.
Hindi na hinayaan ni Djokovic na makahabol pa si Popyrin sa buong set.
Susunod na makakaharap nito si Go Soeda ng Japan.
Magugunitang nabigo sa doubles si Djokovic kasama si Filip Krajinovic sa kamay nina Mate Pavic at Bruno Soares.