-- Advertisements --

Pasok na sa ikalawang round ng Dubai Duty Free Tennis Championships si Serbian tennis star Novak Djokovic.

Tinalo kasi nito si Lorenzo Museti ng Italy sa score na 6-3, 6-3.

Ito ang unang laro ni Djokovic ngayong taon matapos na ito ay ma-deport sa Australia nitong Enero dahil sa hindi pagsiwalat ng kaniyang vaccination status.

Sinabi nito na nasiyahan siya sa kaniyang laro dahil sa ito ang unang pagkakataon na maglaro ngayong taon.