-- Advertisements --

Pasok na sa quarterfinals ng Australian Open 2025 si 10-time champion Novak Djokovic.

Tinalo ng 37-anyos na Serbian tennis star si Jiri Lehecka ng Czech Republic sa score na 6-3, 6-4, 7-6 (7/4).

Dahil dito ay makakaharap niya si Carlos Alcaraz.

Target ni Djokovic na maitala ang pang-25 na Grand Slam title.

Ito na rin ang pang-61 quarterfinal appearance ni Djokovic sa mga major tennis games.