-- Advertisements --

Pasok na sa round 16 ng Tokyo Olympics tennis tournament si Novak Djokovic.

Ito ay matapos talunin si Jan Lennar Struff ng Germany.

Umabot sa 14 aces ang nagawa ni Djokovic habang mayroong apat na unforced errors ito.

Target ng world number one na maging unang manlalaro na manalo ng apat na majors at Olympics sa parehas na taon na unang nakamit ni Steffi Graf noong 1988.

Nakuha nito ang Australian Open, French Open at Wimbledon.

Susunod na makakaharap ng Serbian tennis star si Alejandro Davidovich Fokina ng Spain para sa quarterfinals.