-- Advertisements --

Pasok na sa semifinals ng Wimbledon si seven-time champion Novak Djokovic.

Kasunod ito ng pag-withdraw sa laro ni Alex de Minaur dahil sa hip injury.

Natamo ng Australian ninth-seed De Minaur ang injury sa ikaapat na round ng magwagi ito laban kay Arthur Fils.

Dagdag pa ng 25-anyos na si de Minaur na isang mabigat na desisyon ang nasabing pag-atras.

Ito na ang pang-13 na Wimbledon semifinal ni Djokovic at ang pang 49 na Grand Slam.

Susunod na makakaharap niya ang sinumang manalo sa pagitan ni Taylro Fritz ng US at Lorenzo Musetti ng Italy.