-- Advertisements --

Natapos na ni Novak Djokovic ang limang taon na walang panalo sa ATP-WTA Indian Wells Masters.

Ito ay matapos na talunin niya si Aleksandar Vukic ng Australia sa score na 6-2, 5-7, 6-3.

Hinahabol ni Djokovic ang ika-anim na titulo sa unang Master’s event matapos ang pagkabigo niya sa semifinals ng Australian Open laban kay Jannik Sinner noong Enero 26.

Una rito ay nakamit na ng 36-anyos na Serbian player ang 400th Masters-level victory ng kaniyang career.