Tuluyan nang pinauwi ang Serbian tennis superstar na Novak Djokovic matapos na ibasura ng Australian judge ang kaniyang apila.
Nauna kasing kinansela ng Australian government ang visa ni Djokovic kahit na nabigyan na ito ng medical exemption.
Bagamat dismayado ay nirerespeto umano ni Djokovic ang desisyon ng korte sa Australia.
Magugunitang umabot sa 10 araw na inapela nito ang dalawang beses na pagkansela ng kaniyang visa matapos na higpitan ng gobyerno ng Australia ang manlalarong hindi bakunado laban sa COVID-19.
Dahil sa desisyon ay hindi na maidedepensa ni Djokovic ang kaniyang titulo sa Australian Open na magsisimula sa Enero 17.
Ikinatuwa naman ni Australian Prime Minister Scott Morrison ang desisyon kung saan sinabi nito na ang nasabing paraan ay para mapalakas ang kanilang border at mapanatiling ligtas ang kanilang mamamayan.
“I will now be taking some time to rest and to recuperate, before making any further comments beyond this. I am extremely disappointed with the Court ruling to dismiss my application for judicial review of the Minister’s decision to cancel my visa, which means I cannot stay in Australia and participate in the Australian Open. I respect the Court’s ruling and I will cooperate with the relevant authorities in relation to my departure from the country,” bahagi pa ng statement ng word’s No.1. “I am uncomfortable that the focus of the past weeks has been on me and I hope that we can all now focus on the game and tournament I love. I would like to wish the players, tournament officials, staff, volunteers and fans all the best for the tournament. Finally, I would like to thank my family, friends, team, supporters, fans and my fellow Serbians for your continued support. You have all been a great source of strength to me.”