-- Advertisements --

Umatras na sa paglalaro sa Indian Wells at Miami Open si Serbian tennis star Novak Djokovic.

Ito ay dahil sa paghihigpit na US sa panuntunan laban sa COVID-19.

Nakasaad kasi sa panuntunan ng nasabing torneo na dapat ipakita ng mga manlalaro ang kanilang katibayan na sila ay naturukan na ng COVID-19 vaccine.

Inamin kasi ng 34-anyos na 20-time Grand Slam champion na hindi pa ito natuturukan ng bakuna laban sa COVID-19.

Dahil dito ay posibleng sa Abril pa siya makakapaglaro sa Monte Carlo Masters.

Magugunitang hindi na nakapaglaro si Djokovic sa Australian Open matapos na palayasin dahil sa hindi pagpapakita ng katibayan na ito ay naturukan ng COVID-19 vaccines.