-- Advertisements --

Napilitang umatras na sa quarterfinals ng French Open si Novak Djokovic dahil sa kaniyang injury sa tuhod.

Natamo nito ang nasabing injury sa ikaapat na round nng manalo ito laban kay Francisco Cerundolo.

Dahil dito ay tapos na ang plano ng Serbian tennis star na mapalawig ang kaniyang 25th Grand Slam trophy.

Mawawala na rin ito sa listahan ng world number one ranking kay Jannik Sinner.

Ayon sa organizer ng French Open na nagkaroon ng torn medial meniscus sa kanang tuhod ni Djokovic kung saan nakatakda sana nitong makaharap si Casper Ruud sa quarter-finals.

Abanse na rin sa semi-finals ang seventh seed na si Ruud kung saan makakaharap nito ang sinumang mananalo kina Alexander Zverev o ang 11th seed na si Alex de Minaur.