Nanguna ang pangalan ni Serbian tennis star Novak Djokovic na babandera sa Australian Open sa susunod na buwan.
Isa kasi siya na pinangalanan ng Serbian team na sasabak sa ATP Cup sa Sydney, New South Wales.
Noong nakaraang mga buwan kasi ay pinagdududahan ang pagsali ni Djokovic matapos na hindi nito isinisiwalat ang kaniyang vaccination status.
Dahil dito ay posibleng bigyan ng exemption ang pambato bng Serbia kung saan sasailalim ito ng 14-araw na quarantine pagdating sa Australia.
Balik din sa kumpetisyon si Rafael Nadal habang ang finalist noong nakaraang taon na si Dominic Thiem ay sasabak din matapos ang paggaling ng kaniyang wrist injury.
Umatras naman sa paglalaro si US tennis player Serena Williams dahil sa payo na rin ng kaniyang doctor na magpahinga.
Hindi pa rin nito tiyak kung kailan siya makakabalik sa paglalaro.