-- Advertisements --

Nakuha ng De La Salle University ang kampeonato ng UAAP Season 86 men’s basketball finals.

Ito ay matapos na pataubin nila ang University of the Philippines Fighting Maroons 73-69 sa kanilang Game 3 winner-take-all.

Ang nasabing laro ay nagtala ng record crowd na 25,192 na audience na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

Hindi nabahala ang Green Archers kahit na hawak ng Fighting Maroons ang kalamangan 65-58 sa natitirang walong minuto.

Ipinakita ni Most Valuable Player Kevin Quiambao ang kaniyang galing ng maitala nila ang 12-2 run at nakuha ang 70-67 na kalamangan sa natitirang 4:12.

Ito ang unang kampeonato ng La Salle mula ng makuha nila ang titulo noong 2016.

Nagtala ng 24 points, siyam na rebounds, apat na assists at dalawang blocks si Quiambao.

Ang 6-foot-5 na forward ay tinanghal din bilang Finals MVP.

Magugunitang sa first game ay nakuha ng UP ang panalo 97-67 at pagdating ng second game ay nakabawi ang DLSU 82-60.

Labis naman na ikinatuwa ni La Salle coach Topex Robinson ang panalo nila at hindi ito nabigo sa mga ipinakitang laro ng kaniyang players.