-- Advertisements --
Pinigilan ng De La Salle University Green Archer ang University of the Philippines Fighting Marrons para makuha ang kampeonat ng UAAP Season 86 men’s basketbal tournament.
Hindi nabigo ang 20,863 fans na nanood sa Smart Araneta Coliseum ng talunin ng DLSU ang UP 82-60.
Bumida sa panalo si Francis Escandor na nagtala ng 14 points habang mayroong 12 points si Joshua David.
Nag-ambag naman ng 11 points at 5 rebounds si CJ Austria at ang bagong Most Valuable Player na si Kevin Quiambao ay mayroong siyam na puntos, 13 rebounds at tatlong blocks.
Sa second half ng umarangkada ang DLSU kung saan tinambakan agad ng 20 points ang UP.
Gaganapin ang Game 3 sa Disyembre 6 sa Big Dome.