Opisyal ng miyembro ng Lakas-CMD si Deputy Majority Leader for Communications at ACT CIS Party List Rep. Erwin Tulfo.
Nanumpa si Tulfo kay House Speaker Martin Romualdez nuong Biyernes bilang ika-112th member ng partido sa House of Representatives.
Ikinagalak ni Speaker ang pagsali ni Tulfo sa partido dahil malaki ang magiging ambag nito sa partido at sa bansa.
“As the newest member of Lakas-CMD in the House, Cong. Erwin strengthens our commitment to public service. His no-nonsense approach is exactly what we need as we push for reforms and transparent governance,” pahayag ni Speaker Romualdez.
Hindi rin matatawaran ang dedikasyon ng mambabatas sa serbisyo publiko.
Si Tulfo ay nagpahayag na kakandidato bilang senador sa nalalapit na midterm elections.
Kumpiyansa si Speaker na magbibigay ng “fresh energy” ang pagsali ni Tulfo sa partido.
” His voice will play a crucial role in advancing our legislative agenda and we are confident that his influence will help uplift the lives of every Filipino,” pahayag ni Speaker Romualdez.