DMW-7, nakapag-isyu na ng mahigit sa 4K overseas employment certificates mula Enero-Hunyo ngayong taon; Ahensya, muling pinaalalahanan ang mga nagbabalak magtrabaho abroad na mag-apply lamang sa mga lisensyadong recruitment agencies
Inanunsyo ng Department of Migrant Workers-7 na nakapag-isyu na sila ng mahigit 4,000 overseas employment certificate ngayong taon.
Inihayag ni Regional Director Atty. Karl Arriola, na nakapag-isyu ang kanilang ahensya ng 4,396 Overseas Employment Certificate (OEC) mula Enero hanggang Hunyo 2024.
Sinabi pa ni Arriola na 126 na kliyente naman ang kanilang natulungan sa pamamagitan ng Welfare and Repatriation programs at 100 benepisyaryo sa pamamagitan ng kanilang Reintegration program.
Aniya, naipamahagi ang nagkakahalaga ng P870,000 na kabuuang Reintegration Funds sa parehong panahon.
Samantala, pinaalalahanan naman nito ang mga nagbabalak na magtrabaho abroad at muling binigyang-diin nito ang kahalagahan ng pag-apply sa mga lisensyadong recruitment agencies.
Ayon pa kay Arriola na nananatili kasing problema ng bansa ang illegal recruitment at human trafficking kaya naman pinalakas pa nila ang pagbibigay-impormasyon bilang bahagi ng pag-iwas sa mga illegal recruiter.
Idinagdag pa nito na ang ang mga lisensyadong recruitment agencies ay katuwang din ng kanilang tanggapan sa paglaban sa illegal recruitment at labor human trafficking.