-- Advertisements --

Aminado si Migrant Workers OIC Hans Leo Cacdac na hindi pa nila masasabi na isang daang porsyentong accounted ang mga Pilipino sa Taiwan.

Ayon kay Cacdac, ang matitiyak lamang nila sa ngayon ay walang Pinoy na nasawi, walang nawawala at walang malubhang nasugatan sa malakas na lindol kahapon sa Taiwan.

Aniya, patuloy pa silang nakikipag-ugnayan sa Filipino community leaders doon, maging sa mga awtoridad sa Taiwan para alamin kung may iba pang OFWs na naapektuhan ng lindol.

Tiniyak naman ng DMW na tutulungan nila ang 3 Pinoy na nasugatan sa malakas na lindol.

Naipa-alam na rin ng DMW sa pamilya sa Pilipinas ang nangyari sa 3 nasugatang OFWs.