Aminado ang Department of Migrant Workers na pangunahing problema pa rin ang talamak na online illegal recruitment at scams na nambibiktima sa mga Pilipinong nais lamang magtrabaho abroad.
Ayon sa undersecretary ng kagawaran na si Atty. Bernard P. Olalia, patuloy kasing dumarami ang mga dumudulog sa kanilang tanggapan na nagrereklamo at humihingi ng tulong matapos mabiktima sa iba’t ibang mga social media platforms.
Kaya naman, sila’y lubos na nababahala sapagkat ani pa niya, mayroon pang ilan na umiiyak habang tumatawag sa kanila upang isumbong ang panlolokong naranasan sa mga illegal recruiters.
‘Nako ang online scam ngayon ang number one (1) ano, araw-araw meron tayong legal assistance office sa MWPB (Migrant Workers Protection Bureau) at ah marami tayong mga kababayan duon na umiiyak,’ pahayag ni Undersecretary Bernard P. Olalia ng Department of Migrant Workers (DMW)
Dahil dito, ipinatutupad ng Department of Migrant Workers ang kanilang mas pinaigting na pagmomonitor sa mga kahina-hinalang posts online.
Dagdag pa ng naturang secretary, ipinaiiral ngayon ng kagawaran ang ‘motu proprio surveillance’ upang lubos na matutukan at maibsan ang posibleng pagdami pa ng mga mabibiktima.
‘Kami po ay nagka-conduct ng motu proprio surveillance, pag’ sinabi nating motu proprio surveillance upon our own inititative weather it’s a digital surveillance or an actual and physical surveillance,’ dagdag pa ni Usec. Bernard P. Olalia ng DMW.
‘