-- Advertisements --
Papalakasin ng Department of Migrant Workers (DMW) at Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang kanilang partnership para usigin ang mga traffickers at illegal recruiters.
Nilagdaan ni DMW Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac at AMLC Executive Director Matthew David ang isang kasunduan hinggil sa kanilang pagtutulongan para imbestigahan, habulin at kumpiskahin ang mga assets ng mga traffickers.
Ang hakbang na ito ay para umano ma protektahan ang mga migrant workers. Kasabay nito, nananawagan ang DMW sa mga biktimang Overseas Filipino Workers na may kaugnayan sa pananalapi na humingi ng tulong mula sa DMW Migrant Workers Protection Bureau.