-- Advertisements --

Nagsanib-puwersa ang Department of Migrant Workers (DMW) at ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center na lumagda sa isang memorandum of agreement (MOA) upang palakasin ang interagency cooperation at resource sharing sa pagitan ng dalawang ahensya.

Sa ilalim ng MOA, magtutulungan ang dalawang ahensya para masugpo ang mga ilegal na aktibidad na may kaugnayan sa information and communications technology.

Ang kasunduan ay naglalayon din na pigilan at usigin ang mga cybercrime at krimen na lumalabag sa Data Privacy Act, at target na pabilisin ang proseso ng digitization ng DMW at bawasan ang cyber risks ng OFWs.

Pinangunahan ni DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac at CICC Executive Director Alexander Ramos ang joint signing ng MOA.

Samantala, sinabi ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center na tutulong ito sa DMW sa illegal recruitment at trafficking-in-person case records, at digitalization efforts upang mapabuti ang pagsugpo na rin sa mga iligal na aktibidad.