-- Advertisements --

Magsasagawa ng job fair ang DMW at Japan Embassy ngayong araw kung saan aabot sa mahigit 25k na trabaho ang inaalok nito sa mga aplikante para sa bansang Japan .

Ayon sa Department of Migrant Workers, ang naturang event ay bilang bahagi pa rin ng paggunita ng Philippine-Japan Friendship Week.

Para sa mga interesadong aplikante, maaari kayong magtungo ngayong araw sa isang mall sa Galleria-Ortigas, Quezon City kung saan magsisimula ito mula alas 10 ng Umaga.

Makikiisa ang labing limang licensed recruitment agencies na alok ang trabaho sa Japan .

Inaasahang dadalo sina Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac at Minister for Economic Affairs ng Embahada ng Japan na si Nihei Daisuke .

Layon nito na maghatid ng mensahe at pagpapakita na rin ng suporta sa pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Sa pinakahuling datos ng ahensya, pumapalo sa 300,000 Filipino ang documented workers sa Japan na kinabibilangan ng mga professional at skilled workers.