-- Advertisements --

Hinikayat ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga pinoy na naghahanap ng trabaho na subukan ang mga job openings sa bansang Taiwan ngayong taon.

Sa datos kasi ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) mayroong higit kumulang na 4,000 job hirings sa naturang bansa lalo na sa industriya ng manufacturing.

Nauna naman dito ay naglunsad sa ilalim ng kolaborasyong ng DMW at ng MECO ng isang job fair sa Quezon City nitong mga nakalipas na araw para sa mga oportunidad at trabahong bukas sa ibang bansa gaya ng Taiwan.

Para naman sa mga kababayang nagaalala sa mga maaaring bayarang placement fees sa mga susubok mag-apply, siniguro ng DMW na walang maniningil ng kahit anong bayad sa mismong araw ng application hanggang matapos ang hiring process.

Samantala para naman sa mga bagong aplikante, magmula sa medical examinations, NBI clearances, PSA Certifications, at passports lahat ito ay dapat bayad ng mga mismong employers nito.

Inaasahan naman na hindi bababa sa ₱50,000 ang matatanggap na sahod ng mga mangagawa na makakatanggap din ng taunang increase batay sa Foreign Service Act at makakatanggap din ang mga mangagawa ng iba pang mga benepisyo at 6% tax rate.