-- Advertisements --
toot ople

Namahagi ng tulong pinansyal ang Department of Migrant Workers at ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA sa 25 seafarers na iligal na na-deploy sa Namibia, South Africa.

Inilahad ng mga Filipino Seafarers na pinagta-trabaho umano sila bilang mga mangingisda sa Namibia na katumbas ng human trafficking at pagkakasangkot ng kanilang barko sa illegal fishing.

Patuloy ang imbestigasyon sa kabiguan ng manning agency, Trioceanic Manning and Shipping Inc., na subaybayan ang kondisyon ng trabaho at tulungan ang mga naturang OFW.

Bukod sa mga paglabag na ito na kinasasangkutan ng employer ng mga Pinoy Seafarers, hindi rin umano ibinibigay ng buo ang kanilang suweldo.

Una nang nahuli ang kanilang fishing vessel ng mga awtoridad ng Namibia na ilegal na nangingisda sa teritoryo nito.