-- Advertisements --
Nagpahayag ng kahandaan ang Department of Migrant Workers (DMW) na tulungan ang mga Pilipino na apektado ng immigration crackdown ni US President Donald Trump.
Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, na mayroong silang mahigpit na koordinasyon sa Department of Foreign Affairs at Embahada ng bansa sa Washington ukol sa usapin.
Paglilinaw niya na wala pang nagaganap na mass deportationng sa mga Pinoy sa US ngayon.
Base sa pagtaya ng DFA na nasa 350,000 na mga Pinoy ang iligal na naninirahan sa US.