-- Advertisements --

Handang tulungan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga Filipinos na lilikas palabas ng Lebanon dahil sa patuloy na tenisyon doon.

Sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac, na naghahanap sila ng maaring pansamantalang taguan ng mga Pinoy sa Lebanon.

Pinayuhan din nito ang mga Pinoy doon na lumikas na habang bukas pa ang paliparan.

Ang mga OFW na huling ng repatriation at agad na makakatanggap ng tulong at reintegration support pagdating nila sa bansa.

Isinasagawa ang paglilikas sa pakikipagtulungan nila sa Department of Foreign Affairs.

Nitong Biyernes kasi ay naglabas na ang Philippine Embassy sa Lebanon ng advisory sa mga Pinoy doon na agad na lumikas na.

Ang mga hindi makakalikas na Pilipino ay hinihikayat nila na maghanap ng mga ligtas na lugar.