-- Advertisements --

Hihilingin ng Department of Migrant Workers (DMW) sa Commission on Elections (Comelec) na i-exempt sa spending ban ang pagpapatupad ng financial assistance nito sa mga overseas Filipino workers (OFWs).

Sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac, kung kailangan ng DMW na magtalaga agad ng mga tauhan sa ibayong dagat, hindi na sila makapaghihintay hanggang matapos ang halalan.

Aniya, ito ay emergency na kaya naman hiling nila sa poll body na hindi ito isama na ipagbawal. 

Nakasaad sa Comelec Resolution 11060 na kailangan ng certificate of exemption para maipatupad ang mga aktibidad at programa sa social welfare projects at services sa panahon ng public spending ban mula Marso 28 hanggang Mayo 11.

Binigyan ng exemptions ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 28 programa sa ilalim ng mga sumusunod na kondisyon: walang kandidato o pulitiko sa panahon ng pamamahagi at dapat ipaalam sa Comelec ang mga guidelines. 

Kaya naman, ang DSWD ay hindi sakop ng pagbabawal sa “release, disbursement or expenditure of public funds.” 

Dagdag ni Cacdac, katuwang din nila ang Comelec sa kampanya sa paghimok sa mga migrant workers na bumoto sa Mayo 12.