UPANG mapabilis ang reverse migration phenomenon, hinihimok ng Department of Migrant Workers ang mga overseas Filipino workers na nagnanais na umuwi sa Pilipinas na isaalang-alang ang mga trabaho at business opportunities sa local travel at tourism industry.
Sa isang pahayag matapos makipagtulungan sa Department of Tourism , sinabi ni DMW Officer-in-Charge Undersecretary Hans Leo Cacdac na umaasa silang pag-isipan ng mga umuuwi na OFW na pumasok sa industriya ng turismo at hindi na umalis para magtrabaho sa ibang bansa.
Ayon kay Cacdac, lahat ng mga OFW na Pilipino ay may mga plano para sa kanilang mga pamilya at komunidad.
Aniya ang pakikipagtulungan ng DMW sa DOT ay malaking tulong para sa mga OFW na makauwi kasama ang kanilang mga pamilya habang may napapanatiling mapagkukunan ng kita sa lokal na sektor ng turismo
Sa ilalim ng “Balik Bayani sa Turismo” program, ang mga OFW at kanilang mga pamilya ay maaaring maka-avail ng libreng tourism -related training sa culinary tourism, farm tourism, homestay operations, at tour guiding.
Ang programa ay nag-aalok din ng mga OFW na may malawak na karanasan sa mga language skills o tourism-related activities upang maging bahagi ng grupo ng mga eksperto ng DOT, kabilang ang mga pagkakataon bilang mga resource person sa iba’t ibang programa ng pamahalaan.