Kinumpirma ng Department of Migrant Workers na patuloy ang mga ginagawang hakbang ng mga kinatawan ng Embahada ng Pilipinas sa United Arab Emirates para maiuwi ng Pilipinas ang mga labi ng tatlong Pilipino na nasawi sa malawakang pagbaha sa Dubai, UAE kamakailan.
Sa isang press briefing sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Hans Leo Cacdac na sinisikap ng Embahada ng Pilipinas na maiuwi ito ngayong linggo.
Wala ring patid ang pagbibigay nila ng update sa mga naiwang pamilya ng biktima.
Ayon kay Cacdac, buhat ng pumutok ang balita na nasawi ang kanilang mga mahal sa buhay ay hindi na sila tumigil magbigay ng update.
Sinabi pa ng kalihim na naghatid rin sila ng legal na tulong sa mga pamilya ng nasawing OFWs nang sa gayon ay mapabilis ang pagkuha ng ng mga benepisyo nito.
Kung maaalala, humingi na rin ng tulong ang mga pamilya nito para ma-imbestigahan ang kaso ng pagkamatay nito.