-- Advertisements --

Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga naulilang pamilya ng 2 OFWs na nasawi sa Kuwait at nangako ng buong suporta.

Sa isang statement, kinumpirma ng ahensiya na nasawi ang 2 OFWs matapos makalanghap ng mapanganib na gases mula sa sunog na sumiklab noong Lunes, Disyembre 2.

Ayon kay Labor Attaché Manuel M. Dimaano ng DMW Migrant Workers Office (MWO) sa Kuwait, sumiklab ang sunog sa Al Adan, Kuwait na humantong sa trahediya.

Kasalukuyan naman ng inaasikaso ng MWO sa Kuwait ang legal procedures at pagtugon sa mga concern may kinalaman sa insidente. Inaasikaso na rin ng ahensiya ang pagproseso ng mga dokumento para sa repatriation o pagpapauwi ng mga labi ng nasawing Pinoy workers sa Pilipinas.

Samantala, binisita naman na ng DMW Regional Office at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Western Visayas ang mga pamilya ng OFWs sa Capiz at nagpaabot ng tulong pinansiyal bilang suporta sa mga apektadong pamilya sa panahon ng kanilang pagdadalamhati.