Tumaas ang bilang ng Filipino Migrant Workers ngayong 2023 ayon sa Department of Migrant Workers.
Pumalo sa halos 2.4 million ang nailabas na overseas employment certificate ngayong taon o nasa 18% ang itinaas kumpara noong nakalipas na taon, ayon yan kay DMW Officer-In-Charge Hans Leo Cacdac.
Batay sa datos ng DMW, sea-based migrant worker ang may pinakamalaking ang itinaas na nasa 608 thousand mula sa 554 thousand noong 2022. Unang pagkakataon ito na nabigyan ng go-signal para maglayag sa buong taon.
Ani Cacdac, maaari pang tumaas ang deployment dahil wala nang COVID-19 restrictions.
Kasabay nito, naitala naman ang 40 billion dollar remittance ang OFWS ngayong 2023 mas mataas kung ikukumpara sa 32 billion dollars na naipasok nila noong nakaraang taon.