Inilatag ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga requirement na dapat sundin ng mga Pinoy workers na nagnanais mangibang-bansa sa Kuwait.
Sa ilalim ng inilabas na Memorandum Circular No. 02-2024, mayroong tatlong requirement na inilatag dito ang ahensiya.
Una, ang mga applikante ay kailangang may employment record sa DMW database para maipakita na ang naturang mangagawa ay may akmang documentation.
Pangalawa, kailangang nakarehistro ang mga ito sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Pangatlo, dapat ay wala silang welfare record o na-admit sa kostudiya o pag-iingat ng Migrant Workers Resource Center (MWRC). Ito ay kailangang ma-certify ng Migrant Workers Office (MWO).
Pinapayagang makabalik sa naturang bansa ay ang mga professional, skilled workers, at mga domestic workers na mayroon nang dating karanasan.
Maalalang noong Hunyo ay inanunsyo ng DMW ang reopening ng Kuwait para sa mga Pinoy workers.
Ito ay mahigit isang taon mula nang sinuspinde ng Kuwaiti government ang issuance ng visa para sa mga Pinoy workers na nagnanais magtrabaho sa naturang bansa.
Ginawa ng Kuwaiti government ang naturang suspension matapos itigil noon ng Pilipinas ang deployment ng mga first-time domestic helper kasunod na rin ng pagpatay sa domestic worker na si Jullebee Ranara.