-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Migrant Workers na walang nasawing Pinoy sa gumuhong building sa Jeddah. Inatasan umano ng ahensya ang migrant office nito sa Jeddah na i monitor ang progress ng search and rescue operations kasunod ng pagguho ng building sa Saudi Arabia noong Biyernes, May 31. 

Ayon kay  DMW Secretary Hans Leo J. Cacdac, binisita ng Migrant Workers Office nila sa Jeddah ang mga incident site at ilang kalapit na mga ospital para masiguro kung may mga pinoy doon. 

Nananatili namang mabigat ang sitwasyon sa lugar ng insidente habang patuloy ang mga otoridad sa kanilang pagtutok sa pangangalaga sa kaligtasan ng mga apektadong indibidwal.

Ang insidente ay patuloy pang iniimbestigahan para matukoy ang mga sanhi ng pagguho ng estruktura at para mapanagot ang mga may pananagutan sa pangyayari.