Ipinagmalaki ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagunlad ng Pilipinas sa labor market sa ginanap na Global Labor Market Conference 2025 sa Riyadh, Saudi Arabia kahapon, Enero 29, 2025.
Binigyang-diin ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac ang malaking pag-unlad na naabot ng Pilipinas sa larangan ng employment at labor market sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Inilahad ni Cacdac ang mga inisyatibong ito na nakatuon sa mga kabataan tulad ng Government Internship Program, na nakatulong sa higit 220,000 benepisyaryo upang makakuha ng karanasan sa trabaho at makapasok sa pormal na trabaho.
Binanggit din niya ang mga program training sa na akma sa pangangailangan ng industriya at ang mga community-based training na nagbibigay ng espesyal na kaalaman sa mga Pilipino sa grassroots level.
Pinagtibay din ng Pilipinas ang mga bilateral agreements sa mga bansa tulad ng Saudi Arabia, Kuwait, at Japan upang matiyak ang kaligtasan ng mga manggagawa at mas maraming oportunidad sa trabaho sa ibang bansa.
ito’y alinsunod narin sa naging pahayag ni PBBM tungkol sa kahalagahan ng reskilling at upskilling upang matugunan ang mga bagong pangangailangan sa labor market, na layuning magbigay ng mga kalidad na trabaho habang tinitiyak ang kapakanan, pagpapalakas, at seguridad ng mga manggagawang Pilipino.