Ipinag-utos ni Department of Migrant Workers Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac na ipasara ang immigration consultancy firm na iligal na nag-aalok ng trabaho sa bansang Canada.
Ayon sa kaniya hindi umano awtorisado ang mga ito dahil wala itong lisensya at tila nagpapabayad ito ng mahal at hindi makatarungan na processing fees.
Ilan sa mga inaalok sa Pilipino ay ang trabaho bilang nurses, caregivers, nursing aids at maging ang welders.
Dahil sa pakikipagtulungan ng nasabing ahensya sa Migrant Workers Protection, pulisya at sa ilang local government unit, matagumpay na naipasara ang main office sa Mandaluyong City at tatlong branches ng Dream Pathway Education and Immigration Services na matatagpuan sa Nueva Ecija, Pampanga at sa Lipa, Batangas.
Sa ngayon ay haharap ang nasabing immigration firm sa kasong illegal recruitment habang patuloy namang nagbabala ang DMW sa mga Pilipino na nais mangibang bansa na mag doble ingat at siguraduhing dumaan sila sa legal at tamang proseso.