-- Advertisements --

Kinilala ng Department of Migrant Workers ang malaking ambag at papel ng mga kababaihan pagdating sa care economy ng bansa.

Kung saan mayroong isinagawang programa ang naturang kagawaran na isang forum na naglalayong maipagmalaki at mapakinggan ang kotribusyon ng mga babae sa Pilipinas.

Pinangunahan mismo ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac ang forum at inihayag ang kanyang pagkilala sa mga kababaihan pagdating sa pagbibigay ng malasakit sa kapwa lalo na ang mga Pilipinong manggagawa abroad.

Habang si Migrant Workers Undersecretary for Policy and International Cooperation naman na si Usec. Patricia Yvonne Caunan ay ibinida ang kakayanan ng isang babae.

Aniya, kahit ano pa mang kategorya ng trabaho ay mayroong potensyal ang mga kababaihan na mag-excel at manguna sa kani-kanilang mga gawain.

Ngunit sinabi ng naturang undersecretary na hindi nito isinasantabi ang kasalukuyang problemang kinakaharap na hindi pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga ito.

Gayunpaman, ipinagmalaki naman niya na sa pagdating sa ‘care economy’ ng buong mundo, naniniwala na ang mga Pilipino ay ang isang nangunguna rito.

Kung saan iginiit niya na karamihan dito ay binubuo halos ng karamihan mga babaeng Overseas Filipino Workers (OFW).

Dagdag pa rito, nais din ng kagawaran na mas mapaunlad pa ng mga Pilipinong mangagawa abroad ang kanilang skills sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba’t ibang trainings.