-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers ang planong pagtatayo ng bagong OFW Center sa Mactan-Cebu International Airport.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng ahensya sa Aboitiz InfraCapital Cebu Airport Corporation at isang kilalang airline company.

Kaugnay nito ay isinagawa ngayong araw ang pagpirma ng MOA ng DMW kasama ang mga kinatawan mula sa mga pribadong sektor sa main office ng ahensya sa lungsod ng Mandaluyong.

Ayon sa ahensya, nakatakdang simulan ngayong buwan ang konstruksyon ng OFW Center.

Ang naturang proyekto ay nasa ilalim ng Public-Private Partnership.

Inaasahan naman ng DMW na matatapos ito kaagad at magiging operational sa ikalawang kwarter ng taong ito.

Sa sandaling matapos na ang proyekto, magsisilbi itong one-stop service hub para sa lahat ng Overseas Filipino Workers at kanilang mga pamilya.