-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers ang pagsalang sa isasagawang autopsy sa labi ni Jenny Alvarado, isang Overseas Filipino Worker sa Kuwait.

Sinabi mismo ni Atty. Hans Leo Cacdac, ang secretary ng Department of Migrant Workers na ngayong araw nakatakda ang skedyul ng autopsy sa bangkay ng namatay na Overseas Filipino Worker.

Ito ay matapos kasing ulitin ang pagpapdala ng labi sa Pilipinas, nang maling bangkay ang maiuwi dito sa bansa.

Kaya naman, isinaad ng kalihim na ipinagkakatiwala nila sa mga tauhan ng National Bereau of Investigation ang magiging resulta ng autopsy.

Kasabay din nito ang kanilang pag-antabay sa kalalabasan ng police report ng Kuwait sa kung ano talaga ang tunay na nangyari kay Jenny Alvardo.

Sa isang pahayag pa ni Secretary Hans Leo Cacdac, sinabi niya na pinasusuri na nila sa kanilang mga lawyer sa Kuwait ang insidente at kung may liability ang employer ni Jenny Alvarado kung sakaling may matuklasan sa pag-iimbestiga.

Alinsunod naman sa maling pagpapadala ng bangkay sa Pilipinas, ipinahayag ni Secretary Hans Leo Cacdac na nakahanda nilang panagutin ang shipping handler sa likod ng pangyayari.