-- Advertisements --

Welcome sa Department of Migrant Workers (DMW) ang naging nasa 90 Japanese employer na nais kumuha ng mas maraming Pilipino skilled workers.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople, na mas pinipili ng Japanese employer ang mga Pinoy dahil sa angking talento at kakayahan nito sa trabaho

Dahil sa magandang feedback na natanggap ng Pilipinas mula sa Japanese employers, nakatakdang magtayo ang DMW ng Japan desk sa Office of the Secretary para pabilisin ang aplikasyon ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa Japan.

Layunin nito ani Ople, na mapatatag ang relasyon ng Pilipinas sa Japanese Government gayundin sa kanilang mga employer doon.

Nabatid na naglalaro sa ¥130,000 yen o katumbas ng mahigit ₱54,000 ang suweldo para sa entry level sa Technical Internship Training Program, habang nasa ¥900,000 libong yen o katumbas ng mahigit ₱370,000 naman para sa specialized positions.